May mga nagtatanong mula sa ating
mga kapatid na bakit daw nagbibisita ang mga shia sa libingan ng Propeta
Muhammad s.a.w. o dikaya sa libingan ng mga Imam ng Pamilya ng Propeta Muhammad
s.a.w. At magpatulong sa kanila para
humiling sa Allah s.w.t. samatalang sila ay patay na at hindi na makakarinig. Ito
ay hanggang ngayon patuloy pa rin
itinatanong ng ating mga kapatid at hindi pa rin malinaw sa kanilang mga kaisipan.
Ano ba ang kahalagahan ng pagdalaw sa kanila sa kanilang mga libingan at magpatulong?
Mga kapatid Mahalaga ang pagdalaw o di
kaya ang magpatulong sa kanila sa kanilang mga libingan sapagkat sila ay hindi
patay sa dahilang sila ay namatay sa
landas ng panginoong Allah s.w.t Ngyon
linawin natin ito sa ating pagpapaliwanag.
Sila ay hindi patay sa harapan ng
Allah s.w.t. at sa mga tao. Ang isa sa mga halimbawa nito ay lahat ng mga
muslims pag nagdarasal sa oras ng pagdarasal ay laging binabangit ang, “Assalamo
alayka ayyohannabiyyo wa rahmatullahi wa barakatuho”, Kaya ito ay isa mga
katibayan na sila ay hindi patay. Ipagpalagay natin na sila ay patay at hindi
makakarinig sa mga pagbati ng mga muslim sa kanila, nangangahulogan lamang ito
na walang silbi ang pagbati sa kanila ng mga muslims na hindi naman makakarinig.
Isa pa sa mga halimbawa na magpapatunay na sila ay hindi patay. Ang Allah
s.w.t. mga Anghel at mga momin ay nagpapadala ng panalangin para sa kanila ayon
sa Chapter 33:56 “Truly Allah and His Angels are blessing the Prophet. O ye who
believe! (You too) send him and salute him the best!. Kaya malinaw lamang na
ang katibayan na ito ay nagpapatunay na sila ay buhay at hindi patay at ito ang
dahilan kung bakit ang mga na naniniwalang hindi sila patay ay nagpapahalaga at
nagbibisita sa kanila sa kanilang mga libingan.
Isinabuhay nila ang kanilang buhay
sa landas ng Allah s.w.t. at sila ay namatay sa Kanyang landas s.w.t. Ang
ganitong uring kamatayan ay hindi sila patay at ito ay ayon sa kasabihan ng
Allah s.w.t. sa Banal na Qur’an. “And do not say of those who are killed in the
way of Allah: “They are dead!” “No, they are living, but you cannot understand!”.
(Oh ignorant people). Qur’an (2:154). At hindi lang ito ang sinabi
ng Allah s.w.t. kundi dinagdagan pa niya ng isa pang verse sa Qur’an, “And
never (even) think that those who died for Allah are dead (finished). No, they
are living and get their sustenances from their Lord! They are happy with what
Allah has given them by His Grace…” Dito dalawang beses sinabi sa atin na
nagpapatunay na sila ay hindi patay kundi sila ay buhay. Kaya ang katibayang
ito ay nagpapatunay lamang na sila ay makakakita at makakarinig at ito ang
dahilan kung bakit ang mga shia ay nagbibisita sa libingan ng Propeta Muhammad
s.a.w. o di kaya sa libingan ng mga imams ng Ahlulbayth a.s.
Ang pagpatulong sa kanila o di kaya
ang paghingi ng tulong sa kanila ay hindi pagtatambal sa panginoong Allah
s.w.t., bagkus ito ay kautusan ng Islam. Marami ang magpapatibay tungkol dito.
Qur’an at Hadit at kahit sa ating mga common sense. Katulad ng verse sa Qur’an na
bumangit tungkol kay Propeta Noah a.s.
nanalangin sa Panginoong Allah s.w.t. sa chapter 71:28 na patawarin siya , patawarin ang kanyang mga
magulang, ang lahat ng pumasok sa kanyang bahay at lahat ng mananampalatayang
lalaki at mananampalatayang babae “O my Lord! Forgive me and my parents, all
who enter my house in Faith, and all believing men and women!” . Kaya malinaw na ang gawaing ito ay ipinayag
sa mga propeta ( Sumasa kanila nawa ang kapayapaan) . Dagdag pa dito ang tungkol kay Propeta
Muhammad s.a.w. sa (Chapter 9:103) na
inutosan siya ng Allah s.w.t. na kumuha ng Islamic charity ( Islamic) mula sa
mga kayamanan ng mga tao para linisan ito at manalangin para sa kanila, “(O’ Mohammad!)
take sadaqa from their wealth (Islamic Tax) to purify and bless it. And pray
for them” Isa rin ito sa kautusan ng
Allah s.w.t. para sa mga tao. Kaya ang
kautusan na ito ay hindi lamang kautusan ng Allah s.w.t. kundi ito ay sunnah ng
Propeta Muhammad s.a.w.
Ang paniniwala na sila ay buhay,
ang pagdalaw sa kanila sa kanilang libingan at magpagtulong
sa kanila ay pinatibayan na ng Panginoong Allah s.w.t. at siyang hindi lang
mahalagang gawain kundi ito ay kautusan
ng Panginoong Allah s.w.t. para sa atin. At ang pagtangi sa paniniwalang ito ay
gawain at paniniwala ng mga munafiq at ng
mga walang pananampalataya sa Allah s.w.t.
No comments:
Post a Comment