Tuesday, May 5, 2015

Bakit ko pinili ang landas ng Shia Ahlulbayth


Sagot sa mga taong nagsasabing mali ang landas na pinili ko

       Ako ay nasa tamang landas at hindi ako nagkakamali sa pagpili ng landas na pinili ko dahil isa sa mga shia ni Noah ay si nabi ibrahim a.s, Qur'an at Pamilya ng rasul s.a.w. ang iniwan niya at shia ang makakapasok sa paradise. ngayon, isa isahin ko ito sa pagpapaliwanag kung bakit ito ang mga iilan sa mga dahilan.

     
        Si Nabi ibrahim a.s. ay shia ni noah at ang salitang ito ay hindi nagmumula sa bibig ng nabi a.s. o di kaya sa lahat ng mga nabi na Siya ay naging shia ni Noah a.s. at di lang iyan kundi ito ay binangit din ng Allah swt sa atin sa luob ng qur'an 37:83. Nangangahulogan dito na ang pagiging shia niya ay patunay lamang na ang lahat ng mga nabi ay shia at shia din ang lahat ng tunay na tagasunod nila. Ang katwiran ng pagiging shia nila at pagiging shia ng mga followers nila ay nangangahulogan na ang salitang shia ay follower at follower ang lahat ng mga nabi at lahat ng mga tunay na tagasunod nila. Kaya kung si nabi ibrahim a.s. ay shia,lahat ng mga nabi ay shia, ngunit dahil nabangit ito ng Allah swt na siya ay shia ayon sa 37:83 ibig sabihin shia lahat ng mga nabi, shia din lahat ng mga tunay na alagad at shia lahat ng mga makakapasok sa paradise. pero kung siya ay hindi shia bakit nabangit na shia siya? Kaya Siya ay shia at shia din lahat ng makakapasok ng surga. Now di lang yan kundi Qur'an at kanyang pamilya ang isa pa sa mga dahilan.


          Qur'an at ang pamilya ng rasul s.a.w. ay isa pa sa mga dahilan kung bakit tama ang landas na pinili ko.Itong dalawa ay napakahalaga sa buhay natin dahil hindi lang utos ng rasul s.a.w. at pagsunod sa kanya kundi isa sa mga napakahalagang kautusan na iniwan sa atin ay sundin ang qur'an at kanyang pamilya. Alam niya kung ano ang mangyayari sa hinaharap kung siya ay wala na. Alam niya na magkakagulo at hindi magkakasundo sa kanyang totoong sunnah ang kanyang ummah. Alam din niya na ang kanyang ummah ay may sari-sariling interest na aabutin sa hinaharap. Pero dahil sa pamamagitan ng wahih ng Allah swt sa kanya hinding hindi niya gagawin na hindi siya umiwan ng isang tao na magpapatuloy sa kanyang mission at magtatangol sa kanyang sunnah. Ngunit ito ay kanyang nagawa sa pamamagitan ng ibinaba na verse sa qur'an 5;67."  O Messenger! Deliver what has been revealed to you from your Lord, for if you fail to do that, you have not fulfilled the task of His messengership. Allah will certainly protect you from the evil of men. Surely Allah will not guide the unbelievers (to succeed against you)." ito ay patunkol sa taong susunod sa kanya pagkatapos niya. Susunod sa mission niya at hindi ibig sabihin na susunod na maging propheta. Hindi kundi susunod lamang sa kanyang mission na hindi prophet dahil tapos na ang propheta at wala nang iba pang susunod na maging propeta after the prophet muhammad s.a.w. Kung hindi ito tinupad ng rasul s.a.w. tulad din ng hindi niya pagtupad sa lahat ng message ng Allah swt at ang kanyang mission mapupunta lamang sa walang kabulohan. Kaya ito ang isa sa mga dahilan kung bakit tama ang pinili kong landas. HIndi lang yan ang isa sa mga dahilan kundi ang sinabi ng rasul s.a.w. sa hadith tungkol kay ali at ang kanyang shia ( kanyang mga followers)


         Sinabi ng rasul s.a.w. kay Ali a.s. "Glad tiding O Ali! Verily you and your companions and your Shia (followers) will be in Paradise." Fadha'il al-Sahaba, by Ahmad Ibn Hanbal, v2, p655. ito ay napakahalaga sa buhay natin na kung ating sundin ang rasul s.a.w. at sumonod  kay imam ali a.s. after the prophet, ang katiyakan ay masasayo at mapupunta ka sa paradise. Pero dahil sinabi ito ng rasul kay imam ali a.s. at naniniwala ka sa rasul s.a.w. na hindi nagsisinungaling walang dahilan na hindi ka susunod kay imam ali at wala ring dahilan na pag sumunod ka sa kanya ay di ka matatawag na shia. Pero dahil sinusunod mo siya, dapat ikaw ay shia at di mo ito ikakahiya sa buong mundo dahil sumonod ka sa kanya at alam mo ito. Ito ay isa na naman sa mga dahilan bakit tinangap ko ang shia at isa rin ito sa mga dahilan kung bakit sinabi ko tama ako at tama ang landas na pinili ko.

       Balikan ko mula nong malaman ko ang mga reason na ito, ang pagiging shia ni nabi ibrahim a.s. sa nabi noah a.s., ang mabigat na dalawang bagay na iniwan ng rasul s.a.w. sa kanyang ummah bago siya umalis ay walang iba kundi ang qur'an at kanyang pamilya, at sabi ng rasul s.a.w. kay imam ali a.s. tungkol sa companion at mga shia niya ay mapupunta sa paradise ay mga  dahilan kung bakit tama ang landas ko at hindi ako nagkakamali sa landas na pinili ko at ito rin ang reason na wala nang ibang landas na sinabi sura alfatiha na siratal mustaqeeem kundi ito. I hope ikaw maunawaan mo rin ang landas na pinili mo ay mali sa landas ng madhab sunni o di kaya sa landas ng ahlussunnah wal jama'ah.